Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

My Trip to Heaven

No. I’m not dead, yet. I’m just dreaming. And ang mabigat dito, conscious ako na nananaginip lang ako. And with the looks of it, passing the same path when I got the chance to have a glimpse of what hell really looked like, I am bit excited than afraid. Yes, before this seem to be trip to heaven, I already made a trip to hell. I pass this path also, so it’s quite familiar. I reached the end of the line and face the old man with a long beard of shining white color. It was awesome. What makes it splendid is the fact that I was not conscious then, I really thought that I died in some freak accident or simply died in my sleep. But that’s another story and been posted here in my blog. Just dig it.

Along with a long queue of souls (or whatever is left when one dies), I was dumbfounded of the multitude of people dying every single day. Now, like me, walking in one line going to that bright light, with walls of steel in immeasurable heights. I kept myself busy by gazing the emotions and expressions of these souls. I couldn’t help but grinned. I saw hundreds, no millions of troubled souls. Teary eyed. Yes, when you get there, it is still possible to cry. Along with other feelings too. Believe me, I’ve been there. I grinned because I knew why they acted as such, or felt as such. They know they will be going to hell. And that’s foreseeable. If they only knew what lies in hell…

With just ten souls in front, I could clearly see the old guy. In few more minutes I will be facing him again. While getting closer and closer, I set my eyes in any direction but his.

“Your name?”

“Tolits…”

“Cause of dea…” he looked at me for seem eternity and with puckered brow. “Hmm. You’re seem familiar. Dumaan ka na dito natatandaan ko. Bakit ka nandito ulit?” Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Makikita ang DARK sa DILIM

Yan ang isa sa mga vandal sa pader na hinding hindi ko malilimutan. High school student pa ako nun, habang nagbabawas ako ng kinain sa comfort room ng isang mall, nabasa ko yung vandal na yun na nakasulat sa pintuan.

 

Hindi lang ako sigurado kung doon nagsimula ang fascination ko sa mga vandal sa pader, sa CR, sa ilalim ng tulay, at sa arm chair namin sa classroom noon. Basta ang alam ko, merong art na matatawag ang mga one liner na mga sulat na palatandaan ng pagiging expressive natin bilang mamamayan. Minsan pa nga ay inuukit pa sa kawawang mga sanga or katawan ng puno ang walang kamatayang pag-ibig ng magsing-irog, “DADAY LOVE BADONG FOREVER.”

 

Meron akong listahang ginawa noon. Lahat ng madadaanan ko na vandal, yung tipong nagustuhan ko ang nais ipahiwatig, sinusulat ko. naisip ko pa nga noon na balang araw gagawa ako ng libro ng mga sulat sa pader, or sa CR, or sa dingding ng may dingding. Ewan ko lang kung napapansin nyo, kadalasan sa mga sulat na makikita mo ay pagpapakilala ng payak na pagmamahal at tanging ang kawawang pader ang tanging saksi sa lalim ng nadarama ng tarantado nitong puso.

 

O sige, isusulat ko yung ilan sa mga vandal na natatandaan ko pa at kung saan ko siya nabasa.

ROSES ARE RED, VIOLETS ARE BLUE, SA LAHAT NG BOYS, SI ORANGE GUSTO KO.
Hindi nga, nasulat yan sa arm chair ng maniwala kayo’t sa hindi crush ko din nung elementary pa ako. Kinukulit ko pa nga noon si special someone kung siya ba nagsulat nun pero ayaw niya talagang aminin.

 BAKIT PA NATUTONG MAGMAHAL ANG TARANTADO KONG PUSO? JOHNNY WAS HERE SINCE 1972
Eto naman, sa nakaukit sa mesa ng tambayan ng mga biology students sa malapit sa punong mangga dun sa school namin noong araw. Hindi ko alam at sa dinami daming vandal sa school eh isa ito sa hindi maalis sa isipan ko. Eh wala namang ka profound – profound. Siguro dahil sa madalas kong pag hihintay noon sa tambayan ng biology students. Nandoon pa rin yung tambayan, pero wala na ang punong mangga. At mga myembro na ng Frat ang tumatambay dun.

Masasabi kong kasama ang mga vandal sa humubog ng pagiging writer ek-ek ko ngayon. Nadarama ko kase ang lalim at essence sa likod ng istorya ng bawat vandal. ‘Yung drama na nakabalot sa bawat kataga, kahit sa ilalim man ito ng upuan nakasulat ay may kwentong nakatago. Totoo, kasing kulay din ng sulat sa pader ang kwento kung bakit yun na sulat dun. Tulad din ng natatawa akong alalahanin yung pinapulot kami ng basura after class dahil may kung sinong gago ang sumulat sa blackboard ng, “ABSENT SI MA’AM! UWIAN NA!

 

Makikita ang dark sa dilim… patingin nga?

 

Minsan naisip ko, parang masyado ng delayed kung ngayon pa ako magsisimula ng blog. Oo nga at mahilig akong magsulat, mas lalo na magbasa. Mahaba haba na ring panahon na nagbabasa lang ako ng blog ng may blog. Nakitawa sa nakakaaliw na mga entries, nakikidalamhati sa hinanakit na tanging ang mga blog nila ang ginawang shock absorber at ang mga comments ang ginawang pampakalma.

 

Natutuwa ako na nasusundan ko ang drama ng buhay ng isang blogista. Lalo na yung mga paborito ko talagang mga blog sites. Kahit papano, hindi ko maiwasang mainggit at nagawa nilang isalarawan, iguhit, at isulat ang bawat kabanata ng kanilang buhay. Subalit sa isang banda, nanlulumo akong isiping huling huli na ako sa laban, kung laban mang matatawag. Ilang entries na ba nagawa nila? Samantalang bubuuin ko pa lang ang una kong entry? Natanong ko tuloy sa sarili ko kung ano yung driving force para mag simula ng blog.

 

Pagnilayan natin.

 

Tingin ko madami. Minsan salungat sa dahilan ng karamihan. Merong naghahanap lang ng outlet para sa mga angst nila. Merong frustrated writers, trying to be writers, subra sa need ng attention, at wala lang magawa sa subrang dami ng leasure time nila, at libre siguro ang internet connection. Pero nakakaaliw, nakaka inspire din. Hindi ko masyadong maintindihan, pero natutuwa talaga akong magbasa ng blogs. Para bang hinihimay mo yung kaluluwa ng writer. Sa daloy ng mga pangungusap ng sumulat nakikita mo yung karakter nila, yung kabuuan nila. Makikita mo yung yaman ng istilo ng mga panulat. Minsan nga wala ng balangkas na sinusunod. Taliwas sa tinuturo sa mga writers workshop. Tipong unconventional. Merong mga sumusulat ng blogs na free flowing lang na walang pakialam sa spelling, sa rules kung meron man, basta sulat lang ng sulat. Pero yun ang pinagtataka ko nun, nakakaaliw pa ring basahin, napaka uplifting pa ring basahin.

 

Siguro bago magsulat, kailangang matuto o mag develop ng pagmamahal sa pagbabasa. Tingin ko ‘yun yung jump-off point. ‘Yung tipong addict ka na sa pagbabasa, ‘yung tipong hindi ka makakatulog sa gabi kung wala kang babasahing kung ano ano. Mula ‘ron, uusbong yung pagnanasa mong sumulat na rin at hindi lang bastang magbasa na lang ng sulat ng iba. Ang pagkamulat mo sa pag nanasang yun ay magsisimulang lilitaw kung natututo ka na ring pumuna sa mga binabasa mo at magsimulang humahabi ng sariling opinion at kuro kuro. Doon mo ma- realize, masarap palang magsulat.

 

Kaya kahit late na, kung late mang matatawag, magsusulat ako ng blogs. Nakakatulong din ‘yung sa tagal ng panahon kong tagabasa lang ng blogs ng may blogs, tagapuna ng istilo ng mga writers, At taga appreciate ng mga paraan ng pagpapahayag ng kanilang nararamdaman.

 

Hindi maglalaon, alam ko, makakatanggap din ako ng komentaryo, meron ding tatangkilik (sana), at pwede ko na ring tawagin ang sarili ko na blogger. Kahit hindi ko alam kong importante ba yun o hindi.

 

Sana, sana lang naman… merong mag welcome sakin sa Blog world.

Sige for the sake of this blog thing, mag reveal ako ng kunti. Buti na lang wala sa list yung hated positions.

  • FOOD I HATE
    Kunti lang ang hindi ko gusto sa mga pagkain. Siguro yung mga hindi ko kilala. But I don’t like too much of anything. Exotic foods ayoko din, maliban sa palakang bukid lalo na pag fried and crispy. Pero malay natin baka magustuhan ko din pag natikman ko yung ibang exotic foods. halimbawa, Pinaupong dragon na lalagyan ng madaming sibuyas.
  • FRUITS I HATE
    Para doon sa iilang nakasalamuha ko na, alam na nila na hinding hindi ko magugustuhan ang avocado. Kaya ang nursery book na hawak ko noon ay yung may A as in Apple hindi yung A as in Avocado. Kaya pag may nakita kayong piktyur ng avocado sa blogsite ko, isa lang ibig sabihin nyan, magugunaw na ang mundo.
    Ayaw ko din sa durian, at wag nyong sabihin na dahil hindi ko lang din sya (ginawa kong second person ang durian hehehe.) natikman. Hindi ko talaga magustuhan ang lasa. Tulad ng kahit anong klaseng gatas pa ang ihalo sa avocado di ko rin magugustuhan ang avocado shake. Minsan na akong nilibre ng halo halo ng friendship kong matagal ko ng pinagpantasyahan, at nauwi lang sa dalawang buwan naming walang kibuan dahil hindi ko man lang nagalaw ang libre niyang halo halo sakin. Kitang kita ko kaya ang mga slice ng avocadong lumalangoy sa gatas at ice. Dahil ‘dun ni-renew ko ulit ang vow ko na kamuhian ang avocado magpakailan man. Salot na rin kase sa lablayp.

[read the rest here...]

Mas Lumang mga Paskil »