Sige for the sake of this blog thing, mag reveal ako ng kunti. Buti na lang wala sa list yung hated positions.
- FOOD I HATE
Kunti lang ang hindi ko gusto sa mga pagkain. Siguro yung mga hindi ko kilala. But I don’t like too much of anything. Exotic foods ayoko din, maliban sa palakang bukid lalo na pag fried and crispy. Pero malay natin baka magustuhan ko din pag natikman ko yung ibang exotic foods. halimbawa, Pinaupong dragon na lalagyan ng madaming sibuyas.
- FRUITS I HATE
Para doon sa iilang nakasalamuha ko na, alam na nila na hinding hindi ko magugustuhan ang avocado. Kaya ang nursery book na hawak ko noon ay yung may A as in Apple hindi yung A as in Avocado. Kaya pag may nakita kayong piktyur ng avocado sa blogsite ko, isa lang ibig sabihin nyan, magugunaw na ang mundo.
Ayaw ko din sa durian, at wag nyong sabihin na dahil hindi ko lang din sya (ginawa kong second person ang durian hehehe.) natikman. Hindi ko talaga magustuhan ang lasa. Tulad ng kahit anong klaseng gatas pa ang ihalo sa avocado di ko rin magugustuhan ang avocado shake. Minsan na akong nilibre ng halo halo ng friendship kong matagal ko ng pinagpantasyahan, at nauwi lang sa dalawang buwan naming walang kibuan dahil hindi ko man lang nagalaw ang libre niyang halo halo sakin. Kitang kita ko kaya ang mga slice ng avocadong lumalangoy sa gatas at ice. Dahil ‘dun ni-renew ko ulit ang vow ko na kamuhian ang avocado magpakailan man. Salot na rin kase sa lablayp.
- VEGGIES I HATE
Ayoko ng talong… basta hindi tortang talong. Pag walang kasamang itlog ang talong, di ko magugustuhan. Para kaseng hindi buo ang sarap ng talong kung wala kang makikitang itlog. Ayoko din sa talong na sunog at may balat pa, dapat malinis ang talong.. para ganahan akong kainin… teka? Parang nagmumukha akong member ng pederasyon sa explanation ko ah.
MONAY ANG GUSTO ko!
- PEOPLE I HATE
Naku madami ‘to mahabang listahan. Dalaw nalang po kayo dun sa MGA AYAW KO nakasulat yun dun lahat. Pero ang pinaka ayaw ko talaga ay yung self-proclaimed rightious. Kasama din sa top of the list yung nuno sa kayabangan. At yung tingin sa mga simpleng taong tulad namin ay mga second class citizens, na walang karapatan sa kanilang circle of friends. Kanila na ‘yong circle of friends nila, at pataasan sila ng ihi. As if naman gusto naming ma belong sa pinagpipitagan ninyong elite social class.
- EVENTS/SITUATIONS/INCIDENTS I HATE
‘yung pagka ganda ganda na ng viewing sa webcam, at kay lalim na ng mga food for thoughts na nabitawan, sabay biglang nag brown out. Isusumpa mo talaga ang Power company. Pramis.
- TV SHOWS/MOVIES I HATE
Well, yung mga dating soap opera na sobrang bagal umusad. Like,
“Mara.. bubuksan mo ba talaga ang baul?”
At aabutin ng tatlong buwan, at ilang brown out na ang nasumpa mo, andun pa rin si mara sa kwarto at pinag isipan pa rin kung bubuksan na ba nya ang baul.
- MUSIC I HATE
Sorry sa iba, pero trip ko ang rap, pero hindi lahat ng rap. Yung mapapa indak na rap. Like Andrew E’s beats. May mga rapper din kase na nag simula ata sa paninisid ang career sa haba ng hininga at ng wala ng masisid, ayun at nag rapper na lang.
Gusto ko ang Ballad, at Lahat ng awitin ng musical genius na si Gary Granada. At Mga walang kamatayang awit ni Noel Cabangon at Joey Ayala. Hanggang ngayon national anthem ko pa rin ang Kanlugan ni Noel Cabangon at ang Panatang makabayan ko naman ang Walang Hanggang Paalam ni Joey Ayala.
Hindi ko trip ang Rock. Noise ang tawag ko doon. Sorry ha?
- HOUSEHOLD CHORES I HATE
Ayokong maghugas ng pinggan. Maniwala kayo, na solve ko na ang mystery kung bakit babae ang naghuhugas ng pinggan.
- THINGS AROUND THE WORLD I HATE
I hate survival of the fittest. And fear of the unknown. Why can’t we just peacefully co-exist? And appreciate our differences? Terrorism exist because they thought they have the sole right to exist. And believe me, terrorism comes in different forms. Some wear coat and ties.
- THINGS I HATE ABOUT MYSELF
Galit din ako sa sarili ko dahil mayabang ako. But I’m learning to handle it. Gradually I’m toning down. Everytime I felt “the man” I just gaze on the vastness of the landscape of nature, The mountains, rivers, and all the life that vibrantly existed there, It humble myself and made me realize how insignificant my arrogance is. Mabait si pareng lord sa akin. Labs na labs ako nun, damang dama ko eh. Pinipitik ako pag tingin nya sumusobra na.
So yun. You marvel in some pieces of myself na. pwede nyo ng sabihing, “Ganyan ka pala tol. Hindi na kita labs.”